Quantcast
Channel: Balay Sugidanun – Balay Sugidanun
Viewing all articles
Browse latest Browse all 204

Pagbasa sa Lungsod-Lungsuran (Librong LIRA, 2020) ni Louise O. Lopez

$
0
0

NABASA ko ang Lungsod-Lungsuran ni Louise O. Lopez dahil naimbitahan akong maging evaluator ng medical doctor at makatang si Joti Tabula ng LIRA [Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo].

Hindi ko personal na kilala si Louise kaya masaya ako na sa okasyon ng pagbabasa sa kanya, may bago akong nakilalang babaeng makata.

Narito ang naisulat ko sa ebalwasyon, na naging blurb:

Itinutula niya ang pulso ng kasalukuyang panahon: ang higit na walang-katiyakan kaya ang pamagat, dahil “panaginip ang makarating” saan “Dito, walang dahilan liban sa pag-iral”, at ang marami pang “maging”, “maaari,” “hindi ba”. Ambivalence as opposed sa earnestness. Playfulness din kapwa sa lengguwahe at anyo. Gusto ko rin na hindi mahahaba — attention span – bagama’t gusto kong sabihin na sa dami ng binabasa ko: mga obra ng mga estudyante at mga bagong libro ng mga banyagang batang makata via Kindle, na-sustain ako nito at equally sophisticated kung hindi man mas mahusay pa itong makata natin. May pamilyaridad man ang kanyang anyo sa istilo ng pagtula ngayon ng mga milenyal, may sarili siyang boses dahil na rin sa gagap niya ang wika at may sinseridad sa laman – hindi lang basta nagpapakitang-gilas o lutang. Lumalampas din sa personal maging ang domestiko niyang mga piyesa.

Politikal at affective.

 

Narito ang isang patikim:

Hindi ba’t ikaw at ang takot ay iisa sa mga gabing hinahamon mo ang hinalang nagtatago sa dilim marating lamang ang santwaryo ng iyong silid? Ngunit naghuhunos ang takot, at apoy na nagliliyab biglang-bigla ang itim ng iyong mga mata, santelmo sa magdamag, tumatanglaw sa lahat ng nilalang na may nilalang ng pangamba sa dibdib, at biglang-bigla, umaamo ang mga hininga ng kaba kasabay ng pagpayapa ng lahat, pagkat nagpapaubaya ang kalsada sa iyong paglakad pag-apoy pagliyab pauwi. At ang pagkatupok ng pagod, sa wakas, sa sandaling marating mo ang santwaryo ng iyong silid, hindi ba panibagong pagningas itong nakaumang na panaginip?

At ang aking pagbasa ngayong umaga:

 

 

Pangga Gen reads Louise

Viewing all articles
Browse latest Browse all 204

Trending Articles